DALAWANG
PORSIYENTO LAMANG ANG MGA ILLEGAL NA FILIPINO SA USA
Sa kasalukuyan, 59 porsiyento (59%)
ng 11.5 milyong mga banyagang naninirahan sa Amerika na walang kaukulang mga
dokumento ay mga Mexicano. Ang dahilan ay sapagka’t magkalapit lamang ang
dalawang bansa kung ikukumpara sa mga Asyano.
Samantala, dalawang porsiyento (2%)
lamang ng naturang bilang ang mga Filipino na walang proper immigration
documents batay sa pinalabas na ulat kamakailan ng US Department of Homeland Security
(DHS).
Ayon pa rin sa report, napakaliit
lamang ang ipinagkaiba ng bilang na ito na nailathala nuong 2010 (11.6 milyon)
sa kasalukuiyang bilang.
Ang iba pang mga bansang may mga
illegal immigrants sa Amerika ay ang El Salvador, 6%; Guatemala, 5%; at
Honduras, 3% na pawang nagbuhat sa Central America.
Tulad ng Pilipinas, ang apat (4) pang
mga bansa na may 2% lamang ang bilang ng mga pumasok ng illegal sa ‘land of
milk and honey’ ay ang China, South Korea, India at Vietnam, ayon sa DHS. # Alerto Research Team
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento